readreinier- premedical student: life outside the lecture hall...guaranteed

See how a portion of my brain works as I spill out my insights, emotions, ideas, accounts, and randomness into this creative writing outlet.


Sunday, March 22, 2009

Wala

Kakasimba ko lang at kakarating lang sa basement ng library ng school. Di pa ako makapagsimula, kaya pinaikot ko lang ang paningin ko. Daming tao. Nakakainis. Wala ang katahimikan na hinahanap ko. Sarado yung student union. Nakakarindi ang mga nakapaligid sa akin. Walang katapusang mga tanong. Walang katapusang kwentuhan. Walang katapusang paglipat ng pahina.

Tinuon ko ang atensyon ko sa sarili. Anak ng baka. Di ako mapakali. Naalala ko uminom ako ng mala-pitchel na baso ng kape. Kumain pa ako at uminom ng coke. Sabog ako ngayon.

Di ko rin alam kung bakit ako nagta-type eh. Labo neto. Wala namang ako makausap ng matino dito. Anak ng tokwa. Walang makaiintindi kapag nagbiro ako ng tungkol kay Michael V at Diego. Wala namang makakaalam pag nagsabi ako ng "anak ng syoktong" at "pucha". Di ko naman din pwedeng kausapin tong gagong katabi ko tungkol sa medisina- mukhang business yun pinagaaralan eh. Pati yun nasa kaliwa ko na tila nasa sinehan na nanonood ng computer habang ngumangata ng popcorn. Naiinis ako gusto kong sapakin.

Naalala ko yun kotse ko. At least madaling hanapin. Pag may nakita ako sa parking lot na walang bumper at lundo yun tambucho, akin yun. At least tumatakbo pa. Tamang tama, may sasakyan ako pag nang-holdap ako ng tindahan. Naalala ko rin yun nakabangga. Anak ng tokwa. Matanda kasi. Sana bayaran ng insurance nya. Wala akong pera eh.

Labas nga muna ako. Siguro sisimulan ko tong Physics mga alas-otso. Tila sasabog ulo ko eh. Dapat nagbasketbol na lang ako para mawala lahat tong caffeine. Para akong adik.

No comments:

Followers